Tagumpay sa Paris Fashion Week, ‘di pa rin ‘nagsi-sink in’ sa Ilongga fashion designer.

ILOILO CITY – Hindi pa rin daw nagsi-sink in sa Ilongga fashion designer ang tagumpay nito sa ginanap na Paris Fashion Week kung saan bumida ang kaniyang mga designs.

Sa live interview sa studio ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ni Audrey Rose Dusaran-Albason ng Tagbak, Jaro, Iloilo City na mistulang may hangover pa umano siya sa ginanap na fashion show.

Hindi pa rin makapaniwala si Albason na nakipagsabayan ang kaniyang designs sa 19 pang designers na itinampok sa Paris Fashion Week.

Ayon kay Albason, ang pagiging fashion designer ay napakataas na pangarap para sa kaniya noon at hindi inaasahan na maaabot niya ito.

Bata pa lang ay hilig na raw niya ang pag-drawing ngunit mas pinili na maging nurse.

Ngunit sadyang ang maging fashion designer umano ang kaniyang kapalaran.

Payo pa nito na kailangang magsumikap upang maabot ang mga pangarap, gaano man ito katayog.

Ang 32-year old nurse turned fashion designer ay kilala sa kaniyang feminine-eccentric style na mga designs.

via http://www.bomboradyo.com/tagumpay-sa-paris-fashion-week-di-pa-rin-nagsi-sink-sa-ilongga-fashion-designer/